Sa kabila ng kanilang pagkalugi, bahagyang naibsan ang kanilang hirap sa tulong pinansiyal mula sa Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF).
Pinangunahan ni Gob. Ed Gadiano ang pamamahagi ng ayuda, kasama sina San Jose Mayor Rey Ladaga, Vice Mayor Sonny Javier, Board Members Alex del Valle, Nathan Cruz, Ainah Batocados, at ang kinatawan ni Cong. Odie Tarriela na si Mr. Ryan Satoquia.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Provincial Agriculture Officer Engr. Alrizza Zubiri at Municipal Agricultural Officer Romel Calingasan.
Nawa’y magsilbing gabay ang tulong na ito sa inyong muling pagbangon!