IPINAMAHAGI ANG TULONG PINANSIYAL PARA SA 1,422 MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG SAN JOSE
Sa kabila ng kanilang pagkalugi, bahagyang naibsan ang kanilang hirap sa tulong pinansiyal mula sa Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF).
Pinangunahan ni Gob. Ed Gadiano ang pamamahagi ng ayuda, kasama sina San Jose Mayor Rey Ladaga, Vice Mayor Sonny Javier, Board Members Alex del Valle, Nathan Cruz, Ainah Batocados, at ang kinatawan ni Cong. Odie Tarriela na si Mr. Ryan Satoquia.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Provincial Agriculture Officer Engr. Alrizza Zubiri at Municipal Agricultural Officer Romel Calingasan.
Nawa’y magsilbing gabay ang tulong na ito sa inyong muling pagbangon!
Laws, Rules and Regulations
MAHALAGA ANG PAPEL NG TESDA SA PAG-EQUIP NG ATING MGA KABABAYAN
Ito ang mensaheng aking ipinaabot sa World Café of Opportunities and Job Facilitation Activity ngayong umaga, kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng TESDA. Sa paggunita ng 2024 National Tech-Voc Day na may temang “Continuing Legacy Towards Global Competency,” iniwan ko ang hamon na sa modernong panahon, ang ating job market ay hindi lamang pang-probinsya—kundi pati sa ibang bansa ay kaya nating makahanap ng trabaho. Kami ni Gob. Ed, Cong Odie, Mayor Rey Ladaga, Vice Myor Sonny Javier at mga Bokal na kasama – Bokal Ainah Baticados, Bokal Alex Del Valle, Bokal Nathan Cruz ay patuloy na nagsisikap na makahanap ng mga programa upang makapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan. Salamat, TESDA, sa inyong napakalaking ambag sa ating labor force!
Maligayang pagbati sa lahat ng kasapi ng Alpha Kappa Rho (AKRho) sa inyong ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag sa Pilipinas!
Skeptrons, binabati ko kayo ng isang masaya at makabuluhang anibersaryo!
MARAMING SALAMAT PO!
Kasama ang ating Gob. Ed Gadiano, nakadaupang-palad namin ang mga volunteers ng Spiritual Development Values Formation sa pamumuno ni Ptr. Jun Javate. Ako po ay naniniwala na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga ispiritwal leaders ng lalawigan sa paghubog ng puso at isip ng ating mga kababayan. Taos puso po ang aking pasasalamat sa pag gabay at panalangin para sa ating lalawigan. kasamahan natin sa pagpupulong—sina BM Ryan Sioson, BM Uly Javier, BM Ainah Baticados, at BM Ruben Aldava—at ma am Malou Cologan. Mabuhay po kayo!
S.G.L.G AWARDEE ang Lalawigan ng Occidental Mindoro dahil sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Panlalawigan
S.G.L.G AWARDEE ang Lalawigan ng Occidental Mindoro dahil sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Panlalawigan
NAKATANGGAP ang Pamahalaang Panlalawigan ng Kanlurang Mindoro ng Seal of Good Local Governance (SGLG). Ito ay isang award kung saan sinukat ang katapatan at pamamahala sa lalawigan sa pangunguna at pagtutulungan ni Gobernador Eduardo B. Gadiano at Bise-Gobernador Anecita Diana C. Apigo-Tayag.
Sinukat ang Pamahalaang Panlalawigan ayon sa pamantayan na itinakda ng Republic Act No. 11292, “An Act Establishing and Institutionalizing the Seal of Good Local Governance for Local Government Units, and Allocating for this Purpose the Seal of Good Local Governance Fund”.
Ayon sa R.A. 11292, may Sampung (10) Pamantayan ang SGLG: (a) Good Fiscal Administration, (b) Disaster Preparedness, (c) Social Protection and Sensitivity Program, (d) Health Compliance and Responsiveness, (e) Programs for Sustainable Education, (f) Business Friendliness and Competitiveness, (g) Safety, Peace and Order, (h) Environmental Management, (i) Tourism, Heritage Development, Culture and Arts, (j) Youth Development.
LINGGO NG KABATAAN
PADAYON KABATAAN!
“The youth of today are the leaders of tomorrow.”
— Nelson Mandela
Sumama, sumayaw at nagbigay saya ang inyong lingkod sa pagtatapos ng Capacity Development Training ng Sangguniang Kabataan sa Mamburao Training Center noong ika-29 ng Agosto.
Congratulations sa ating SK Federation President at Board Member Ainah F. Baticados, Provincial Youth and Development Office Executive Assistant IV Rexel Tuscano, at Junior Governor 2023 Clark Garret Alvarez sa matagumpay na pangunguna ng Linggo ng Kabataan.
Patuloy nating itaguyod ang pamumuno, pakikipagtulungan at pagiging mabuting mamamayan ng ating lalawigan!